Magtatagalog ako dahil this post is worth tagalog-ing for. HAHA.
Nag TriNoma ako yesterday with Jodie, Ampy, Eryel, & Odessa! I'm still uploading the pics, though. Anyway, SUPER FUN. Super namiss ko sila ng sobra. :)) Nagcommute kame nila Odessa & Eryel. Naka-2 na jeep kami from Odessa's house to Tri! YAY! K. Pinagtatawanan nila kasi ang ignorante ko daw magcommute. HAHA. At least natututo na ako. :)) Dumating kame sa Tri ng mga 10.30, ganon. Tas umikot-ikot muna kaming tatlo. Tas nagpunta kame sa Landmark para iwan 'yung 2 na payong ni Odessa. :)) Tas naghanap kame ng kung anu-ano na parang pwedeng ibigay na gift ni Eryel sa ate nya. Tas wala kameng nakita.. Ayun, sabe ko, The Face Shop muna kame kasi kelangan ko ng nail polish. So, nagpunta kame tas tumingin na din si Eryel ng pwede ngang ibigay sa ate nya -- wala ata syang nagustuhan ehh. :)) Bumili ako ng Hot Pink at Dark Blue na nail polish. Tas si Odessa, bumili ng Yellow.
Tas umikot pa ulet kame dahil super hinihintay na namen sila Jodie & Ampy. Ano ba 'yun. Ang tagal tagal! K. :)) Eh nagutom na ako. Bumili muna ako ng hotdog sa Smokey's. Si Eryel, natakam, bumili na din. :)) Nakita ni Odessa 'yung mga animals na umiikot-ikot. Tas sabe nya natry na daw nya yun. HAHAHA. Pesteng 'yan. Gusto kong itry kaso parang nakakahiya. HAHAHAHA. Tas nagpunta kame sa "FOUNTAIN". Hindi ko alam kung baket fountain ang tawag ni Eryel dun ehh mukha naman syang arena. HAHAHA. Muntik na tuloy mawala si Jodie dahil akala nya 'yung fountain sa labas ang tinutukoy namen. :)) Pero nagkakitaan na din. So, si Ampy nalang ang wala. Grabe ha. Antagal tagal. Nagkwentuhan muna kame tas nagpunta kame sa Pop Culture. Nakakita si Eryel ng shorts kaso unsure naman sya sa size ng ate nya.. Tas nangungulit ako na super nauuhaw na ako kaya pinagbigyan na nila ako bumili ng drink para matahimik na ako. HAHAHA.
Nang nasa foodcourt na kame, nagtext na si Ampy na malapit na sya. Sabe ko punta nalang syang Taco Bell dahil andun kame. Peste, ang totoo ehh nasa Food Court pa kame.. Papunta palang kame ng Taco Bell. :)) So, nauna si Ampy dun tas hinahanap na nya kame. Nang makita namen sya, literal na nakatayo lang sya sa loob ng Taco Bell. Hindi man lang naupo ang bruha ehh. :)) Nakita na nya kame so para kameng tanga dahil medyo nagtilian na kame. Who cares, isang buwan na kameng hindi nagkikita 'no. :>
After nun, bumili na kame ng ticket para sa 17 Again tas habang naghihintay, nag-Timezone muna kame. Pesteng 'yan. :)) Antagal umalis ng dalawang babae sa Dance Revo, hindi tuloy nakapaglaro sila Eryel & Jodie. Anyway, naglaro nalang kame ni Jodie ng motorcycle thingy. Natalo ako. =)) After nun, pumunta na kame sa sinehan para manuod. ANG HOTT ni ZAC EFRON! GRABE. Habang nanunuod nagtititili kame. SERYOSO. Tumili din sila. Hindi lang ako. Ang hott kasi ng sobra talaga!!
After ng movie.. Timezone ulet. Landmark pala muna. Nakabili na ng cute na gift si Eryel. Umalis na si Ampy. :( Tas bumili ako ng Breakfast At Tiffany's na DVD sa.. Er, nakalimutan ko 'yung name ng store. Astrovision ata 'yun? Or not? Sorry. Sobrang hina ng short term memory ko. Timezone ulet. Nagkaraoke. HAHAHA.
Grabe. Super namiss ko sila ng sobra. Dapat maulit ulet 'to. As in dapat kahit college, aalis pa din kame. HAAAAY. :))
Ang next target namen ay 'yung mansion ni Ampy sa Bulacan. HIHIHI. BULACAN HERE WE COME! >:)