Showing posts with label Tagalog. Show all posts
Showing posts with label Tagalog. Show all posts

Friday, May 15, 2009

I Never Thought That I'd Catch This Love Bug Again.

I went to TriNoma today with my mom & we bookshopped. Bought 3 new books.. And guess what, my mom paid 2,500 something pesos na! THREE BOOKS LANG YON HA. If the government taxed the books -- what the hell, mabbankrupt na lahat ng tao. Please lang, mag-isip na nga sila. Books are expensive as it is tas dadagdagan pa nila. C'mon. Super nakakairita! I SWEAR! Ang sugapa na nila! If they taxed the books -- they're making a very grave mistake.

I saw GEGO, HAZIELLE, JAKY, HARRIET, PAMIE.. Well, I talked to them for quite some time. :)) Namimiss ko na sila Gego at Hazielle. SWEAR. And it's very funny pa kasi naka-black ako tas "PUNKISTA" na daw ako. Coincidence lang naman kasi. K. Defensive. :)) Pero, SWEAR, magmula bata ako umiikot lang sa Black, Red, White ang mga damit ko. Yun lang kasi yung gusto ko.. EVER SINCE. Pero at least ngayon, mas nagiging colorful na. :D

I'm blogging in Tagalog again. HAHAHA.

So, anyway, yun lang ang gusto ko iupdate as of now. When my laptop's fixed na at kapag may permanent na ako na nagagamit.. Mas magkakakwenta na siguro ang mga sinasabe ko. PROMISE!

SONG: Jo Bro's Love Bug. LSS-ed lang. :D

Saturday, May 9, 2009

She Was So Shy 'Till I Drove Her Wild.

Magtatagalog ako. Kasi, walalang. Sabe saken ng tatay ko, dapat daw manuod na ako ng mga Tagalog Movies & I should start reading Tagalog books na daw kasi parang antanga tanga ko sa Pinoy. K. :)) Parang hindi nya matanggap na nag-77 at nag-79 ako sa Pinoy ehh. I-enhance daw ang Tagalog Skills.  In my defense, feeling ko naman magaling talaga ako mag-tagalog (HELLO, proud Filipino, right here! OK HAHAHAHAHAHA!) pero sobrang, SOBRANG, lalim magbigay ng mga Tagalog words nila Ms. Gino at Mrs. Dacutan.  MAHIRAP TALAGA, promise!  Sige. Kaya I'm blogging in Tagalog! :D

Ano ba ang magandang ikwento ngayon? Hmm. Kahapon, nasa TriNoma kame ni Mommy. Oo. Universal Mall na talaga sya. Nakita ko si Sandra. =)) Hahaha. Pero sandali ko lang naman nakausap. Hmm. Nanuod kame ulet ng X-Men Origins. I forced my mom to watch it. Again. =)) Oo kasi naaadik na naman ako kay Hugh Jackman. Ang HOTT nya sa Van Helsing. Hay nako. You should watch it -- so mouth watering. :"> K. Lumandi ehh. =)) Pero swear. Ang swerte ni Ava dahil nakakasabit sabit sya sa super muscular & hott shoulders ng tatay nya. :"> Haaaay. Nang nasa LandMark ako, medyo natteary-eyed pa ako kay Pauiie. Grabe. Mahal ko talaga ang bruha na 'yun. K. Kami nalang ang nagkakaintindihan. =))

Today, pitong oras na ako nakikinig ng "Good Girls Go Bad" ng Cobra Starship feat. Leighton Meester. OMG. Super AWESOME song. I love Gabe & I love Leighton! Couldn't it be more PERFECT? Alam nyo, kapag naging sila -- feeling ko magtatatalon ako dito sa bahay. Pero si Carter Baizen (K. Nakalimutan ko kasi ang name.. Pero "Stan" ang surname nya diba?") kasi ang boyfriend ni Leighton -- so, katanggap tanggap na din. HAHAHA. Grabe. Ang ganda ganda talaga. K. Hindi na alam kung yung kanta ang sinasabe o si Leighton ehh. =))

Tapos, I painted my nails Midnight Blue. Ano ba 'yan. Umaarte na ako. =)) HAHAHA. Feeling ko nahahawa na kasi ako kila Ampy & Odessa. Although, si Odessa, hindi nagnnail polish. :D Pwede kaya sa UST ang naka-nail polish? Hmmm.

I almost forgot, my mom & I found a dorm na near UST! :D Wala na akong problema kapag may classes ako ng 7PM. Ayoko na kasi ng hatid-sundo kaya sabe ko gusto ko mag-commute. Ehh sabe nila ang layo pa daw ng Makati ehh pano na daw kapag may 7PM classes ako. Kaya ayun, tumingin na kame ng dorm. May dorm-mate na nga ako ehh. Although I don't know her name pa. Peste. Naeexcite ako na medyo kinakabahan. Hindi ko alam. Basta. Sana maka-survive ako ng college. Wooo!

Naks. May improvement. Mantakin nyo yun! Magaling Rina, magaling! K. =))

MALAPIT NA ANG BDAY NI MONS! :>

SONG: Is it obvious? Ang ganda ganda ng Good Girls Go Bad! :">

Friday, May 1, 2009

Five On The Floor.

Magtatagalog ako dahil this post is worth tagalog-ing for. HAHA.

Nag TriNoma ako yesterday with Jodie, Ampy, Eryel, & Odessa! I'm still uploading the pics, though. Anyway, SUPER FUN. Super namiss ko sila ng sobra. :)) Nagcommute kame nila Odessa & Eryel. Naka-2 na jeep kami from Odessa's house to Tri! YAY! K. Pinagtatawanan nila kasi ang ignorante ko daw magcommute. HAHA. At least natututo na ako. :)) Dumating kame sa Tri ng mga 10.30, ganon. Tas umikot-ikot muna kaming tatlo. Tas nagpunta kame sa Landmark para iwan 'yung 2 na payong ni Odessa. :)) Tas naghanap kame ng kung anu-ano na parang pwedeng ibigay na gift ni Eryel sa ate nya. Tas wala kameng nakita.. Ayun, sabe ko, The Face Shop muna kame kasi kelangan ko ng nail polish. So, nagpunta kame tas tumingin na din si Eryel ng pwede ngang ibigay sa ate nya -- wala ata syang nagustuhan ehh. :)) Bumili ako ng Hot Pink at Dark Blue na nail polish. Tas si Odessa, bumili ng Yellow.

Tas umikot pa ulet kame dahil super hinihintay na namen sila Jodie & Ampy. Ano ba 'yun. Ang tagal tagal! K. :)) Eh nagutom na ako. Bumili muna ako ng hotdog sa Smokey's. Si Eryel, natakam, bumili na din. :)) Nakita ni Odessa 'yung mga animals na umiikot-ikot. Tas sabe nya natry na daw nya yun. HAHAHA. Pesteng 'yan. Gusto kong itry kaso parang nakakahiya. HAHAHAHA. Tas nagpunta kame sa "FOUNTAIN". Hindi ko alam kung baket fountain ang tawag ni Eryel dun ehh mukha naman syang arena. HAHAHA. Muntik na tuloy mawala si Jodie dahil akala nya 'yung fountain sa labas ang tinutukoy namen. :)) Pero nagkakitaan na din. So, si Ampy nalang ang wala. Grabe ha. Antagal tagal. Nagkwentuhan muna kame tas nagpunta kame sa Pop Culture. Nakakita si Eryel ng shorts kaso unsure naman sya sa size ng ate nya.. Tas nangungulit ako na super nauuhaw na ako kaya pinagbigyan na nila ako bumili ng drink para matahimik na ako. HAHAHA.

Nang nasa foodcourt na kame, nagtext na si Ampy na malapit na sya. Sabe ko punta nalang syang Taco Bell dahil andun kame. Peste, ang totoo ehh nasa Food Court pa kame.. Papunta palang kame ng Taco Bell. :)) So, nauna si Ampy dun tas hinahanap na nya kame. Nang makita namen sya, literal na nakatayo lang sya sa loob ng Taco Bell. Hindi man lang naupo ang bruha ehh. :)) Nakita na nya kame so para kameng tanga dahil medyo nagtilian na kame. Who cares, isang buwan na kameng hindi nagkikita 'no. :>

After nun, bumili na kame ng ticket para sa 17 Again tas habang naghihintay, nag-Timezone muna kame. Pesteng 'yan. :)) Antagal umalis ng dalawang babae sa Dance Revo, hindi tuloy nakapaglaro sila Eryel & Jodie. Anyway, naglaro nalang kame ni Jodie ng motorcycle thingy. Natalo ako. =)) After nun, pumunta na kame sa sinehan para manuod. ANG HOTT ni ZAC EFRON! GRABE. Habang nanunuod nagtititili kame. SERYOSO. Tumili din sila. Hindi lang ako. Ang hott kasi ng sobra talaga!!

After ng movie.. Timezone ulet. Landmark pala muna. Nakabili na ng cute na gift si Eryel. Umalis na si Ampy. :( Tas bumili ako ng Breakfast At Tiffany's na DVD sa.. Er, nakalimutan ko 'yung name ng store. Astrovision ata 'yun? Or not? Sorry. Sobrang hina ng short term memory ko. Timezone ulet. Nagkaraoke. HAHAHA.

Grabe. Super namiss ko sila ng sobra. Dapat maulit ulet 'to. As in dapat kahit college, aalis pa din kame. HAAAAY. :))

Ang next target namen ay 'yung mansion ni Ampy sa Bulacan. HIHIHI. BULACAN HERE WE COME! >:)

Thursday, March 19, 2009

Ang Landi Landi Ni Rina!

KINIKILIG AKOOOOOO



Peste. Malandi na kung malandi.. Basta! Super, OKAAAY, ansaya saya ko ngayong araw na 'to. And yesterday.. And the day before that.. K. Ngayong week na lang na 'to. MYGAHD. I've never felt this good. Ang huling feeling ko pa ata na ganito, last October. Oha. Alam na alam ko. Ewan ko. Ansaya lang talaga. Tas nakakakilig pa. K. ANG LANDI KO NA TALAGA. BASTA. Nevermind nalang, ok? :) Hmm, well, at least for the last, um, what, 2 days of school -- I'm HAPPY. Hmm, the only hindrance in my super fantastic raindrops of joy is my lack of sleep. I'm so bangag na naman. UGH. Di na kasi ako sanay ng matulog ng maaga. Nagffreakout ako kapag walang gagawin. =))

Nagtatagalog ako kasi sabe saken dati ni Sienna, ang boring daw kapag English. Ok. Sige, ehh di mag-tagalog. Although, I'm not sanay to blog in Tagalog. HAHAHA. Ok lang 'yan. I could do it. Ie-enhance ko ang skills ko. YAY! :))

Hmm. I think I need to hit the hay. Kasi, for sure, mga 3AM, gising na naman ako at nambubulabog na. Seryosong may problema na ako sa pagtulog. Hindi na talaga ako marunong matulog kapag gabi. :| Tas t'wing morning naman.. Either nababagot ako or nahahyper. MYGOD.

GUSTO KO NA MAGBAKASYOOOON!


SONG: Yung Magnificat Song para sa Graduation. HAHAHA. PESTE.

Tuesday, March 17, 2009

Time Turned Fragile.

Magtatagalog ako. Walalang. (:

It's the Batch Reco today. The first part, we were off to our 2nd year sections. It was ok, I guess, but very awkward. Well, at least andon padin si Odessa & Dorilie.. Plus sila Raia & Mackee. :> Okaaay. Namiss ko ang II1 pero, get, hindi na super close. Ahhh, basta. Anyway, nang recess.. PESTE.. Ansaya saya kooooo. :"> Kasama ko sila Odessa & Raia & Mackeeeeee.. Di kelangang nagtititili ngayon. Walalang. Namiss ko sila. (: Sila Dorilie kasi at Chezca at Rachel, nagulat kame dahil wala na sila. So, ayon. Kaming apat nila Odessa ang magkakasama. Napa-smile nga ako ehh. :) .. At napatili. HAHAHAHAHA. ANG LANDI KO PESTE! Kasi naman, get, ewan, BASTA. Buti na nga lang at may control ako -- kasi, kung hindi, feeling ko super mawei-weirdohan saken ang mga tao dahil magtititili lang talaga ako. K. :)) HAAAY. :)) :">

Tas after recess, HAAAAAY, medyo nakakalungkot dahil balik na sa IV1. JOKE LANG IV1 MY LOOOVE!! So, ayun, nakatabi ko na ulet si Jodie! MYGOD. Super hindi na ako sanay na hindi ko sya kasama. Medyo nalungkot pa nga ako ng recess dahil hinahanap ko sya tas kahit anino hindi ko nakita. Buti nalang andyan sila Raia. K. :)) Tas nagpakita na ng mga class vids, grabe, I'm so proud of BEYIIA SANTOS! Natuwa naman ako. Ang ganda ng viiiiid! Hindi mo sasabihin na "minadali" lang niya. Kaya mahal na mahal ko yang si Beyiia ehh.. Kahit sinasabe nya na sya daw ang star na hindi pa ganoon ka-shiny -- para saken, SUPER STAR sya! :D

After that, nagpunta sa classroom tas nag-faith sharing. MYGOD. Sobrang naging hysterical na ata ako. Peste. Sabe ko pa naman sa kanila, hindi ako iiyak.. Tas, ayun, unang sentence palang ata ng sinasabe ko.. "HUHUHU" na ang lumalabas sa bibig ko. Nakaka-frustrate kasi. HAAAAAY. Kahit pagkalabas, jusme, nahihiya ako sa mga tao dahil humahagulgol moi. Ayoko pa naman ng may nakakakita saken kapag namumugto ang mga mata ko. Natatakot kasi ako.

Lunch. Boring. Parang nakapag-lunch na ata lahat ng tao tas IV1 nalang ang hindi. Tas parang lahat ng sections masaya -- IV1 lang ang nag-iyakan. HAHAHA. FUNNY. :))

Mass. Ok, naka-two rounds kame ng Communion. Pauso talaga 'tong si Sir DM kahit kelan! =))

Dismissal. Kumain muna ng fuh-ree burger at juice tas direcho sa Gate 7 para sa isaw. =)) Ok. Tuwang tuwa naman ako kasi ngayon lang ako nakakakain nyan. Hepa na talaga ang hinahanap ko. :))

All in all, ansaya ko sa 14th month ko. :"> HAHAHAHA. PESTE. Walalang. Parang ito ang pinaka-masaya na 17. KLabo. :))

Bukas, patay na tayo. Feeling ko kaya ako pinasaya ngayon ni God dahil paiiyakin nya ako ng malupet bukas. HELP PLEASE.

SONG: Yung nasa vid ng IV3. Ang ganda ng song nila tas tumatakbo takbo sa utak ko -- kaso hindi ko talaga alam yung title!